Kung mayroong isang bagay na magpapaalala sa atin ng makulay na Dekada 80, ang palabas na Hikari Sentai Maskman ang pimaka mainam na halimbawa.Nilikha ito ng Toei Co. Limitted, ang kumpanyang lumikha rin ng Uchuu Keiji Shaider, Kamen Rider Black at iba pang tokusatsu o live action series.Una itong ipinalabas noong 1987 sa TV Asahi sa Japan at taong 1989 sa Pilipinas sa IBC 13 at natapos noong taong 1999.Dahil sa ganda ng effects, istorya at iba pa, naging kilala ito hindi lang sa Japan kundi pati sa Pilipinas, France at Brazil.Mayroon itong 51 kabanata sa kabuuan.
Natatandaan ko pa nung bata pa ako, tuwing Sabado ganap na ika-6 ng gabi, binubuksan ko ang TV at inilalagay ko sa Channel 13.Kapag pinapatugtog na ang openning theme, sinasabayan ko ang pagkanta ganun din sa ending theme nito. Nung nakatira pa ako sa Cavite, kami ng mga pinsan ko ay sama-samang pinapanood ang palabas na ito.At hindi lang ako, pati narin ang mga ipinanganak nung Dekada 80.Ipinanganak kasi ako nung 1987. Kasabay ng ika 21 taong anibersaryo ng palabas na ito ngayong taon, magiging 21 taon na ako sa March. Masayang masaya ako tuwing pinapanood ko ito.
Sa panonood ko ng palabas na ito, marami akong natutunanang mahahalagang bagay.Una na rito ang pagtatanggol ng mga naaapi at paglaban para sa katarungan.Isa siguro ang palabas na ito sa mga dahilan kung bakit naging malaki ang pagtutol ko sa korupsyon sa ating gobyerno at sa pagsasamantala ng mga mayayaman sa mahihirap.Itinuro rin sa akin ng palabas na ito ang magandang maibubunga ng pagtetraining.Sabi nga, habang nagsasanay ang tao, lalo siyang lumalakas.Kaya ako nagsisikap sa pagaaral upang lalo akong maging mahusay sa hinaharap.Itinuturo rin ng palabas na ito ang pagkakaibigan, pagtitiwala sa sarili, paggalang at pagmamahal.Sinasabi nga, lahat ay iyong gagawin alang-alang sa iyong mga minamahal.
Ang Maskman ay nasa genreng Super Sentai. Ibig sabihin, isa itong palabas na ang tema ay isang team ang bida na may 5 mga miyembro at pinamumunuan ng iasang red ranger.Gumagamit din sila ng isang dambuhalang mga robot na tinatawag na mecha.
ISTORYA:
"May natatagong lakas sa loob ng katawan ng tao.Kung ikaw ay magsasanay ng maigi, ang kapangyarihang lalabas ay walang katapusan"
Si Commander Sanjuro Sugata ay natuklasan ang pagkakaroon ng isang imperyo sa ilalim ng lupa na tinatawag na Tube Empire.Sa simula, namumuhay ng mapayapa ang mga mamamayan ito, subalit nang maluklok sa kapangyarihan si Emperador Zeba, ginawa niya itong isang marahas na imperyo at naghangad na sakupin ang lupang ibabaw.Upang mapigilan ito, pumili siya ng 5 mga indibidwal na bihasa sa ibat ibang uri ng martial arts at sinanay sila upang magamit ang Aura Power.
Tagsibol ng taong 1987, naghahanda na ang Imperyong Tube sa paglusob, subalit ibinunyag ni Prinsesa Iyaru, mas kilala bilang Mio kay Takeru ang paglusob ng Tube.Bilang parusa sa kanyang kataksilan, ikunulong siya sa yelo ni Emperador Zeba.
ANG MGA MASKMAN:
Takeru/Red Mask:Ginampanan ni Ryosuke Umizu.Isang 24 na taong gulang na formula 1 racer at isang eksperto sa karate.Mahusay na pinuno ng kanilang team.Isang taon bago ang recruitment sa kanila, nakalaban niya si Com. Sugata matapos iligtas ang isang bata na masasagasaan sana ng isang tren.Dahil sa ipinamalas niyang katapangan, nirecruit siya ni Com. Sugata at naging si Redmask.Napaibig din siya sa isang babae na nagngangalang Mio(Siya si Prinsesa Iyaru) at ang pagnanais na iligtas siya ang kanyang motibasyon sa labanan. Namaster din niya ang technique na tinatawag na Godhand.Sa nalalapit na pagtatapos ng serye, nagawa niyang talunin ng magisa si Baraba sa tindi ng kanyang galit at pakawalan si Mio sa kanyang kulungang yelo gamit ang kanyang AuraPower.Sa bandang huli, napilitan siyang makipaghiwalay kay Mio sa kadahilanang kailangan si Mio sa kanilang imperyo upang maging bagong reyna nito.Sa Filipino-dubbed version, kilala siya bilang si Michael Joe.
Personal na armas:Masky Blade
Kenta/Black Mask:Ginampanan ni Koichi Kusakari.Isang 22 taong gulang na eksperto sa kung fu.Malakas at matipuno at mahusay na pangalawang pinuno ng kanilang pangkat.Pinatunayan niya ito nang minsang higupin ng isang Doggler Beast ang kapangyarihan ng kanyang mga kasama at siya lang ang natirang nakikipaglaban.Nagtratrabaho siya bilang mekaniko sa Sugata Racing Club at minsang nagtrabaho sa Sun Racing Club. Medyo may pagkatorpe siya sa mga babae.Kilala siya sa Filipino-dubbed version bilang Leonard.
Personal na armas:Masky Rod
Akira/Blue Mask:Ginampanan ni Issei Hirota.Isang 16 na taong gulang na eksperto sa broad sword at chinnese boxing.Pinakabata sa grupo.Masayahin at mahilig sa mansanas.Sumali siya sa isang huwad na torneo upang bigyan ng kasiyahan ang kaniyang ina na iniwanan niya upang magaral ng martial arts Sa kalagitnaan ng programa, sinapian siya ng espiritu ni Underground Knight Unas na tinangkang buhayin ng mga taga-ilalim ng lupa upang sana’y tulungan silang mapatalsik sa trono si Zeba at wakasan ang kanilang pagdurusa.Ginawa nila ito dahil sa napagkamalan nilang si Akira ay reinkarnasyon ni Unas nang palayain iya ang ilang mga alipin. Kilala siya bilang Adrian sa Filipino dubbed version
Personal na armas:Masky Tonfas
Haruka/Yellow Mask:Ginampanan ni Yuki Nagata.Isang 19 na taong gulang na ninja.Mula pagkabata, hinabilinan siya ng kanyang ama na iwanan ang mga bagay na "pambabae", kaya sa pagtanda niya, may sa lalaki siya kung kumilos.Mahilig din siyang magsayaw at tinuturuan ang isang mahirap na bata na hindi makabayad para sa mga dance lessons.Eloisa ang pangalan niya sa Filipino dubbed-version
Personal na armas:Masky Rotor at Shadow Split Bodies
Momoko/Pink Mask:Ginampanan ni Kanako Maeda.Isang 19 na taong gulang na eksperto sa tai-chi-schuan.Isang babae na may malinis na puso.Madalas siyang magturo ng tai-chi sa mga bata.Noong bata pa siya, nakatagpo niya ang ina ni Iyaru at Igamu sa isang kuweba at ibinigay sa kanya ang isang bulaklak na tinatawag na Carollove na pinkakaingatan niya.Sa isang kabanata, bumalik siya sa normal na anyo matapos siyang maubusan ng lakas sa labanan.Sa Filipino dubbed version, kilala siya bilang Mary Rose.
Personal na armas:Masky Ribbon
Ryo Asuka/X1 Mask:Ginampanan ni Hideki Habaya.Ang kaunaunahang Maskman na nakasuot ng berdeng combat suit.Mahusay sa martial arts subalit nang hindi nya nailigtas ang kanyang nobya, nawalan siya ng tiwala sa sariling kakayahan at nagpakalayo.Tinulungan niya ang mga Maskmen, subalit nawala ang kanyang kapangyarihan sa bandang huli.Nagbabagong anyo siya kapag isinisigaw niya ang mga katagang "Change Power".Nagpakita siya sa una’t huling pagkakataon sa kabanata 39.
MGA KAKAMPI:
Commander Sanjuuro Sugata:Ginampanan ni Hayato Tani.Isang siyentipiko at pantas na mahusay sa mental reinforcements.Isang taon bago lumusob ang Tube, nakalaban siya ni Takeru matapos maligtas ng huli ang isang sanggol sa may riles.Nang dahil sa katapangan ni Takeru, itinalaga siya bilang si RedMask.Kilala siya sa Filipino dubbed version bilang si Director Samuel Sugata.
Azuma:Siya ang babaeng nasa computer room at nagbabantay sa pakikipaglaban ng mga Maskmen.
MGA ARMAS:
Masky Brace:Bracelet ng mga Maskmen.Nagbabagong anyo sila kapag isinigaw nila ang mga katagang"Aura Mask".
Laser Magnum:Baril ng mga Maskmen.Maari ring agmitin bilang espada.
Shot Bomber:Isang kanyon na ginagamit ng mga Maskmen sa pagtapos sa mga halimaw.Winasak ito ni Kiros sa Kabanata 27 katulong si Beam Doggler.
Jet Cannon:Pangalawang kanyon ng mga Maskmen.Binuo ito ng isang grupo ng mga batang inhenyero sa pamumuno ni Engineer Akaike.Una itong ginamit sa Kabanata 29.Di tulad ng Shot Bomber, mas malakas ito dahil gumagamit ito ng Aura Power.Ginagamit din ni RedMask bilang sasakyan ang armas na ito.
MGA SASAKYAN:
Spin Cruiser:Isang racing car na nagsisilbing personal na sasakyan ni RedMask.Ito ay binuo mula sa Sugata Super Formula-1 Model na siyang sasakyan na ginagamit ni Takeru sa mga karera.
MaskBikes:Mga motorsiklong ginagamit nina Black,Blue,Yellow at Pink Mask.
TurboRanger:Isang flying fortress na kahawig ng isang dambuhalang sport’s car.May kakayahan itong tumira ng missilles.Binibitbit din nito and mga bahagi ng GreatFive o di kaya ay ang Land Galaxy.(Hindi dapat ipagkamali ang sasakyang ito sa programang Kousuko Sentai Turboranger na ipinalabas sa taong 1989-1990.)
MECHA:
Great Five:Ang pangunahing robot ng mga Maskmen.
-Masky Fighter:Sasakyan ni RedMask.Ito ang bumubuo sa ulo ng Great Five.
-Masky Drill:Sasakyan ni BlackMask.Ito ang bumubuo sa katawan ng GreatFive.
-Masky Tank:Sasakyan ni BlueMask.Ito ang bumubuo sa mga binti ng GreatFive.
-Masky Jet:Sasakyan ni YellowMask.Ito ang bumubuo sa kaliwang braso mg GreatFive.
-MaskyGyro:Sasakyan ni PinkMask.Ito ang bumubuo sa kanang braso ng GreatFive.
Kapag isinigaw ni RedMask ang command na "Unite! Five Cross", nagcocombine ang 5 mga sasakyan.Ang mga armas ng GreatFive ay ang Great Gun, Gyro Cutter, Five Shield at Light Electric Sword Rider.Ang huli ay may kakayahang gawin ang technique na Final Aura Burst o di kaya ay Light Electric Slash.Lumubog ito sa ilalim ng lupa dahil sa patibong na ginawa ni Cranium Doggler sa Kabanata 20.Sa Kabanata 22, kinontrol naman ito ni KimenDoggler, subalit nailigtas ng GalaxyRobot.
Land Galaxy:Isang malaking trucktrailler.Kapag isinigaw ni RedMask ang command na"Galaxy Change", nagtratarnsform ang sasakyang ito upang maging Galaxy Robot.Nilikha ito ng kaibigan ni Com. Sugata na si Dr. Yamagata.Magkakumpitensya ang robot na ito at ang Great Five sa pagiging pangunahing robot ng kanilang squadron.Gayunpaman, namatay si Dr. Yamagata sa pagpapaandar ng robot at maging ang mga Maskmen ay nahirapan sa pagpapatakbo nito nung una nila itong madiskubre subalit dahil sa tiyaga, napaandar nila ito ng maayos at nagawa pang palabasin ang Aura Power nito.Ang mga armas nito ay ang Galaxy Anchor, Galaxy Bazooka at Double Vulcan.May kakayahan din ang robot na ito na gawin ang technique na Aura Galaxy Iron Fist.Ang robot na ito ang tuluyang tumalo kay Zeba at nagligtas sa mundo sa kadiliman.
ANG TUBE EMPIRE:Isang dating mapayapang imperyo sa ilalim ng lupa na pinasama at binulok ni Zeba na nagnanais na sakupin at pagharian ang lupang ibabaw.
Emperador Zeba:(1-51)Ginampanan ni Hideaki Kusaka.Malupit, buktot at uhaw sa kapangyarihan.Anak siya ng halimaw na si Lethal Doggler na nagnanais na pagharian ang ilalim ng lupa, subalit napatay ng tribo ng Igam. Bago mamatay si Lethal Doggler, nangitlog siya at isinianga ang kanyang anak.Dahil malapit na siyang mamatay, ipinakain nito sa anak niya ang sariling laman.Naging pangalawang Lethal Doggler ang anak niya at isinumpa niya na maghihigantii.Nagbalatkayo siya bilang si Zeba at sapilitang pinamunuan ang imperyo.Ginawa niya itong isang bulok at marahas na imperyo at inalipin ang mga mamamayan nito. Nais din niyang gawing isang madilim at malamig na planeta ang daigdig upang maging akmang tirahan Nalantad ang totoo niyang anyo.gamit ang aura power ng mga Maskmen at ng pinagsamang kapangyarihan ni Igamu at Iyaru.Lumaki siya matapos humigop ng aura power at tinangkang wasakin ang mundo subalit natalo siya ng Galaxy Robo.
Commander Baraba(1-48):Ginampanan ni Seijiro Shiga.Isang malakas na mandirigma mula sa tribong Baruga.Siya ang isa sa mga pangunahing pinuno ng hukbo ni Zeba.Madalas silang magiringan ni Igamu.Sa Kabanata 30, nakuha niya ang Royal Underground sword matapos patayin ni Devil Doggler ang kanyang inang si Raraba(ginampanan ni Machiko Soga).Matapos ang napakaraming mga kapalpakan, hinatulan siya ng kamatayan ni Zeba sa Kabanata 48.Binalaan siya na ang tanging paraan lamang upang mailigtas niya ang sarili ay ang talunin ang mga Maskmen.Nakipagkasundo siya kay Kiros at ginamit na hostage si Prinsesa Iyaru nang hindi nalalamang may iabang plano si Kiros.Pinagtaksilan siya ng kanyang alalay na si Oyobur dahil sa paggawa niya ng isang plano na walang pagsangayon ni Zeba.Hinamon niya si Red Mask para sa kanilang huling duwelo kung saan napaslang siya.Nalungkot si Igamu ng makita niyang mamatay sa hindi malamang dahilan, posibleng mahal niya si Baraba o di kaya ay nagaalala siya na baka siya ang susunod na mamatay.Sa Filipino-dubbed version, kilala siya bilang si Dargan.
Prinsipe Igamu(1-51):Ginampanan ni Mina Asami.Kakambal ni Prinsesa Iyaru.Bilang panganay, pinalaki siyang bilang isang lalaki upang balang araw ay siya ang susunod na mamuno sa kanilang imperyo.Matindi ang galit niya sa kapatid niya dahil sa umibig siya kay Red Mask at "dinungisan ang dangal ng kanyang pamilya" at kinamuhian niya si Takeru dahil dito.Sa Kabanata 10, nilabanan niya si Takeru sa pamamagitan ng kanyang technique na tinatawag na Death Ring na halos umubos sa lakas ni Igamu.Pinakawalan din niya si Igamu Dragon na isang maamong halimaw at ginamit niya ito laban sa mga Maskmen.Nabunyag sa lahat na siya ay isang babae sa kabanata 45 matapos makalaya si Blue Mask sa pagsapi sa kanya ng espiritu ni Unas.Naging mongha siya sa pagwawakas ng serye upang pagsisihan ang kanyang kasalanan at iniwan sa kapatid iya ang pamumuno sa kanilang imperyo.(Ganunpaman,sa Filipino-dubbed version, hindi nabigyang diin ang pagpapanggap ni Igamu bilang lalaki.Sa halip, ginawa na siyang babae sa simula pa lamang ng istorya at tinawag soyang prinsesa sa halip na prinsipe.)
Oyobu(1-51):Ginampanan ni Yoshinori Okamoto.Isang ninja mula sa tribong Boyun.May kakayahan siyang tumira ng apoy at kuryente.Ubod bilis din siya kung tumakbo.Tapat siyang kanang kamay ni Baraba.Gayunpaman, tumanggi siyang sundin ang amo niya matapos itong gumawa ng sarili nitong diskarte sa halip na sumunod sa utos ni Zeba.Namatay siya nang paliparin sa ibabaw ng lupa at sumabog ang palasyo ni Zeba sa huling kabanata.Tinatawag siya sa pangalang Vulko sa Filipino-dubbed version.
Fuumin(1-51):Ginampanan ni Kaori Kubota.Isang ninja mula sa tribong Fu at matapat na alalay ni Igamu.May kakayahan siyang tumira ng shuriken at bolang apoy mula sa kanyang bibig.Kakumpitensya niya si Yellow Mask sa pagiging mahusay na ninja.Namatay siya sa huling kabanata matapos iligtas si Igamu sa mga gumuguhong bato.
Ministro Anagumas(1-50):Ginampanan ni Takuso Kamiyama.Isang mataba at malabutiking halimaw.Siya ang pantas ng Tube at mahusay sa mahika.Siya lamang ay binigyan ng karapatang basahin at itabi ang mga kasulatan tungkol sa kasaysayan ng Tube.Tatlong beses lamang siyang napakita bago mamatay.Pinilit niyang pigilan ang pagkakabunyag ng lihim ni Zeba.Napatay siya ng mga Maskmen gamit ang JetCannon.Naging higante siya at tinalo ng Galaxy Robot.
Energy Beast Okerampa(1-50):Ginampanan ni Nobu Shinoda.Isang nilalang na may kakayahang palakihin ang mga napapatay na mga halimaw ng mga Maskmen gamit ang kanyang energy rays.Ang tanging linya lamang na sinasabi niya sa bawat kabanata ay "yare yare"(ay bahala na).Huli siyang napakita sa Kabanata 50 matapos gawing higanteng halimaw si Anagumas.Walang nakakaalam sa nangyari sa kanya.
Dark Knight Kiros(27-49):Ginampanan ni Fuchina Shinto.Hindi siya kasapi sa Imperyong Tube.Isa rin siyang mahusay na magnanakaw.May malaking pagkagusto siya kay Prinsesa Iyaru at nahulog sa Winds of Hell para mailigtas ang prinsesa.Ginamit niya ang Crescent Screw technique upang makatakas sa Winds of Hell at siya ring ginamit niya sa pagwasak sa ShotBomber.Nakipagkasundo siya kay Zeba na kung matatalo niya ang mga Maskmen, ibibigay nila sa kanya prinsesa.Kinuha niya ang nakakulong na Prinsesa Iyaru at binihag si Oyobur para sana tunawin ang yelo ni Iyaru kapalit ang kayamanan ni Kiros.Tumanggi si Oyobu.Nang dumating si Igamu at ang pangkat niya, napuruhan ng husto si Kiros upang protektahan si Iyaru.Namatay siya matapos makita na nagsamang muli sa Iyaru at Takeru.Pumanaw siyang bigo sa inaasam niyang pag-ibig mula sa prinsesa.
Prinsesa Iyaru/Mio:Ginampanan din ni Mina Asami.Siya ang kakambal ni Igamu.Ipinadala siya sa lupang ibabaw upang maging espiya at ginamit ang pangalang Mio, subalit umibig kay Takeru at ibununyag dito ang planong paglusob ng Tube. Ibinalik siya ni Igua Doggler sa ilalim ng lupa at pinarusahan ni Zebang makulong sa yelo.Mahal na mahal din siya ni Kiros, bagaman hindi niya siya mahal.Sa pagwawakas ng serye, napilitan si Iyaru na makipaghiwalay kay Takeru bagaman may nararamdaman pa rin siya sa binata.Sa Filipino-dubbed version kilala siya bilang si Rio.
Ungler Soldiers:Mga sundalo ng Tube Empire na nakadamit ng itim at may mga tila baging sa mga mukha.Ang kanilang pangalan ay nagmula sa salitang "Underground".
Angramon Fighters:Mga fighter planes na ginagamit ng Tube sa kanilang paglusob. May kakayahan ang mga itong magsama-sama sa isang tila-alupihang halimaw na Angramon Snake.
ANG MGA DOGGLER BEASTS:Mga halimaw na nakakulong sa yelo sa malamig na mga kuweba ng imperyo na siyang ginagamit ng Tube laban sa mga Maskmen.Karamihan sa kanila ay may kakayahang hatiin ang sarili sa dalawa:Isang bahaging humanoid at isang parasite.
1-2.Igua Doggler:Isang tila-iguanang halimaw.Ang bahaging humanoid nito ay kasama ni Baraba sa paglusob at ang bahaging parasite nito ay ibinalik si Mio sa ilalim ng lupa.Ang halimaw na ito ay napatay gamit ang Shot Bomber at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
4.Capilla Doggler:Isang mala-bulaklak na halimaw na may parasite na anyong higad. Ginamit no Oyobur ang halimaw na ito upang gumawa ng Moebius Tunnel.Upang lamunin ang mga sasakyang pumapasok dito.Nawasak ng Spin Cruiser ang Moebius Tunnel.Napatay siya ng Shot Bomber at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
5.Skull Doggler:Isang halimaw na may kakayahang pagpalit-palitin ang mukha ng mga tao.Napatay siya ng Shot Bomber at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
6.Drill Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang magtanim ng bomba sa ilalim ng lupa.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
7.Doll Doggler: Isang halimaw na ginamit ni Oyobur upang kopyahin ang hitsura ng nililigawan ni Kenta na nagngangalangNapatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
8.Saber Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang ikulong sa yelo sila Red, Black at YellowMask.Nailigtas sila ng dalawang natitirang Maskmen gamit ang isang bulaklak na tinatawag na Maria Rose.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
9.Magne Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang humigop ng kuryente.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
10.Bagil Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Zeba upang pigilan ang pagtutuos ni Igamu at Takeru.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
11.Zora Doggler:Isang halimaw na pumigil sa tuluyang pagkakabunyag ng lihim ni Zeba.Napatay ito ng ShotBomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
12.Shinobi Doggler:Isang halimaw na nagtataglay ng Shinobi Ball na pinagaagawan ni Oyobur at Fumin.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
13.Garaga Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang gawing bampira ang mga tao.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.Nang mapatay ito, bumalik sa dati ang mga biktima nito.
14.Akame Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Oyobur upang pamunuan ang mga alipin sa ilalim ng lupa.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
15.Geruge Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang magtanim ng mga Hell Flowers.Napuksa ang mga bulaklak gamit ang katas mula sa CarolLove.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
16.Gamaro Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang higupin ang lakas ng mga Maskmen(liban kay BlackMask).Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
17.Giba Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang ikulong si RedMask sa isang Hell’s Labyrinth.Nakawala si RedMask dito gamit ang Aura Power ng mga kasama niya.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
18.Garubo Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang sapian ang isang manika.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
19.Igara Doggler:Isang halimaw na pinalakas ng mahika ni Anagumas kasama si Baraba at Igamu upang talunin ang mga Maskmen.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
20.Cranium Doggler:Isang halimaw na nagpanggap na isang babaeng nagngalang "Kotsuhi" na siyang gumulpi ng husto kay Momoko kung kaya naubusan siya ng lakas at hidi nakasakay sa Great Five.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.Nang mapatay ang halimaw na ito, nagsitalsikan ang mga buto sa likuran nito na naging dahilan ng paglubog ng Great Five sa ilalim ng lupa.
21-22.Kimen Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang talunin ang mga Maskmen.Napatay ito ng Galaxy Robot gamit ang Double Vulcan nung hindi pa ito lumalaki.Nang maging higante, kinontrol nito ang Great Five gamit ang isang ulo nito.Muli siyang napatay ng Galaxy Robot.
23.Genie Doggler:Isang halimaw na ginamit ng Tube upang gawing kamukha ni Mio ang isang babae at magespiya sa mga Maskmen.Napatay ang halimaw na ito ng ShotBomber at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang paghaharap.
24.Dragon Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang gawing halimaw ang mga tao.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
25.Goblin Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang ipasok si Akira sa isang huwad na torneo. Napatay ang halimaw na ito ng ShotBomber at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang paghaharap.
26.Jiruga Doggler:Ang halimaw na ito ay anak ng isang halimaw na nagngangalang "Seira" na umaakit sa mga lalaki upang maging cactus na nagsisilbing pagkain niya.Nang maging ganap na halimaw siya, pinatay niya ang sariling ina dahil sa pakikipagkaibigan nito kay Kenta.Napatay ang halimaw na ito ng Shot Bomber at natalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.Nang matalo ang halimaw, bumalik sa dati ang mga biktima nito.
27.Beam Doggler:Isang halimaw na nagbabalat kayong kabayo.Katulong siya ni Kiros sa pagwasak sa ShotBomber.Napatay ito ng mga Maskmen katulong ang Life Aura ni Com. Sugata at natalo ng Galaxy Robot sa ikalawang paghaharap.
28.Rock Doggler:Isang halimaw na may kakayahang mag-anyong bato.Napatay ito ni RedMask gamit ang kanyang Masky Blade at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
29.Desga Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang puksain ang mga tao gamit ang nakalalasong gas na ibinubuga ng halimaw na ito.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
30.Devil Doggler:Pinaslang ni Baraba ang halimaw na ito upang makuha ang Royal UnderGround Sword matapos patayin ng halimaw na ito ang kanyang ina.Tinalo ang halimaw na ito ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
31.Ragon Doggler:Ginamit ni Igamu ang halimaw na ito upang pakawalan si Igamu Dragon matapos ang pangaasar sa kanya ni Baraba.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
32.Lens Doggler:Isang halimaw na may kakayahang gawing isang nakamamatay na liwanag ang sikat ng araw katulong ang Royal Underground Sword.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
33.Gora Doggler:Isang halimaw na may kapangyarihan ng telekinesis at ginamit ni Kiros upang talunin ang mga Maskmen.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
33.Gigira Doggler:Isang halimaw na napaslang ni Kiros 3 taon bago niya hinarap ang mga Maskmen
34.Guron Doggler:Isang halimaw na nagpanggap na isang binatang nagngangalang "Hikaru"(ginampanan ni Yasuhiro Ishiwata) at umibig kay Momoko.Nagbalik siya sa pagiging halimaw ng tirahin siya ni Zeba ng kanyang energy wave. Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
35.Haniwa Doggler:Ang halimaw na ito ang siyang nagbabantay sa libingan ni Lethal Doggler.Nang tinangka ni Kiros na buhayin si Lethal Doggler, lumabas ang halimaw na ito mula sa libingan ni Lethal Doggler at kinalaban ang mga Maskmen.Inakala ni Kiros na siya ang hinahanap niyang halimaw.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
36.Nimen Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang magdulot ng mga pagsabog matapos ilagay sa kambal na sina Eriko at Mariko ang dalawang maskara nito.Napakawalan ang kambal gamit ang kuwintas ni Mio na nakay Takeru.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
37:Mezume Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Kiros upang gawing duwag si Kenta subalit nagawa ni Kenta na kontrahin ang sumpa ng halimaw.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
38:Time Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang bumalik ng 10 taon upang patayin si Takeru mula sa pagkabata nito.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
39:Magma Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang tapusin ang mga Maskmen, subalit dumating si X1 Mask upang tulungan ang mga Maskmen.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
40:Barudo Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang patayin ang isang babaeng nagngangalang Mai na kabilang sa isang tribo sa ilalim ng lupa na tinatawag na Melme.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
41:Hariga Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Kiros upang gawing mga mgananakaw si Haruka at Momoko na hindi man lang nalalaman na hindi pala sila nakontrol ng halimaw at nagawa pa siyang isahan.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
42.Kinoga Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang magtanim ng Powerolls.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
43.Gizee Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Kiros upang ikulong si Akira sa isang pyramid na gawa sa dugo ni Lethal Doggler.Nang nasa pyramid si Akira at nang makawala, nawala ang paningin niya dahil sa sumpang ginawa ng mga taga-ilalim ng lupa.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
44.Armor Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Igamu upang gawing
si Underground Knight Unas si Akira.Napatay ni Red Mask ang halimaw na ito gamit ang Masky Blade at tinalo ng Glaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
45.Gamesu Doggler:Ang halimaw na ito ay personal na alalay ni Underground Knight Unas.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
46.Goddai Doggler:Ang halimaw na ito ay ang guro ni Igamu sa kanyang pagkabata at isa sa mga nakakaalam ng totoong pagkatao niya.Mula sa mahiwagang bukal, kinuha niya ang mga buto ni Lethal Doggler upang sana’y gamitin laban sa mga Maskmen.Sinapian siya ng espiritu ni Lethal Doggler nang protektahan niya si Igamu sa mga buto nito.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
47.Spin Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang tawagin ang Diyos ng Digmaan ng Tube kasama ang iba pang mga tao gamit ang isang pagsasayaw.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
48.Baruga Doggler:Isang halimaw na ginamit ni Baraba upang lagyan ng bomba ang yelo ni Iyaru batay sa sulsol ni Kiros.Napatay ito ng mga Maskmen gamit ang Jet Cannon at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
49.Hell Doggler:Ang halimaw na ito ang nagbabantay sa Winds of Hell. May kakayahan itong higupin ang panira ng kalaban at ibuga ito pabalik sa kanila.Napatay ang halimaw na ito ng Jet Cannon at tinalo ng Galaxy Robot sa ikalawang pagtutuos.
51.Lethal Doggler:Ang halimaw na ito ang magulang ni Zeba at siya rin niyang tunay na anyo.Nalantad ang totoo niyang anyo matapos na magsanib ang kapangyarihan ni Iyaru at Igamu pati na rin ang Aura Power ng mga Maskmen.Tinalo siya ng Galaxy Robot nang siya ay maging higante.
Horn Doggler(sa pelikula):Ang halimaw na ito ay ginamit ni Igamu upang magdulot ng lindol sa ibabaw na daigdig katulong ang awit ng isang sirena na nagngangalang Lelai.Ang halimaw na ito ay napatay gamit ang Shot Bomber at tinalo ng Great Five sa ikalawang paghaharap.
MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
-Ang seryeng ito ay may orihinal na titulong "Fivenan" kaya mayroong numerong 5 sa damit ng mga Maskmen, subalit pinalitan bilang "Maskman".Ang Fiveman ay ginamit sa super sentai na Chikyuu Sentai Fiveman na ipinalabas sa taong 1990-1991.
-Ito ang unang serye na may isang robot na nahahati sa lima, may ikalawang kanyon at unang 6th ranger(si X1 Mask na lumitaw sa isang kabanata lamang).
-Ang Tagalog openning at ending theme ng Maskman ay inawit ni Norman Caraan ng bandang Boy Friends, bagaman madalas na mapagkamalang ang TVJ(Tito, Vic and Joey) ang kumanta ng mga ito.
-Si Kim Atienza(o si Kuya Kim) ay naging isa sa mga unang dubbers ng Maskman bilang si Michael Joe/Takeru sa unang 26 na mga kabanata.
TUNGKOL SA MGA CAST:
-Si Ryosuke Umizu na gumanap bilang Takeru ay lumabas din sa Chikyuu Sentai Fiveman bilang isang botanist, sa Super Rescue Solbrain bilang isang video game developer at sa Gosei Sentai Dai Ranger bilang Media Sorcerer Monster
-Si Kanako Maeda na gumanap bilang Momoko ay lumabas din sa Choujin Sentai Jetman sa karakter na nagngangalang "Kanna", isang dimensian.
-Si Yasuhiro Ishiwata na gumanap na Hikaru/Guron Doggler ay gumanap bilang Bun/Blue Flash sa Choushinsei Flashman at sa Choujin Sentai Jetman bilang "Ray" ang nobyo ni Kanna.
-Ang namayapang si Machiko Soga na gumanap bilang Raraba ay gumanap bilang si Witch Bandora sa Kyoryuu Sentai Zyu Ranger,Jikuu Senshi Spielban bilang Pandora at marami pang ibang tokusatsu shows.
-Iisang aktres lamang ang gumanap bilang Igamu at Mio.Siya ay si Mina Asami na lumalabas din sa ilang "soft core" porn movies bago, habang at matapos siyang gumanap sa Maskman.
-Si Hayato Tani na gumanap bilang Com. Sugata ay nasa palabas na "Takeshi’s Castle" bilang si General Tani, ang kalaban ni Konde Takeshi(ginampanan ni Takeshi Kitano).
Sa ganda at kaastigan ng palabas na ito, naging popular ito sa mga kabataan noong mga huling taon ng Dekada 80 at mga unang taon ng Dekada 90.Ngayon, may mga kumakalat na mga tsismis sa internet na gagawan daw ito ng remake ng ABS-CBN 2!Nang mabalitaan ko ito, naalala ko ang Shaider na binaboy ng GMA 7 na naging Zaido.Kung ako ang tatanungin, ayaw kong iremake ang Maskman dahil baka matulad ito sa Zaido na isang malaking kabastusan at pambababoy sa Shaider. Mas mabuti pang i redub na lamang ang Maskman kaysa gawan ng remake.Panawagan ko sa mga istasyon ngayon, sana matapos na sa Zaido ang mga ginawang pambababoy sa mga classics ng 80’s. Dapat lang na ibalik sa telebisyon ang mga nakagisnan naming mga palabas upang mapanood din ito ng susunod na henerasyon.
Kahit hindi naipalabas ang huling episode ng Maskman sa Pilipinas, hinding hindi ito malilimutan ng mga taong nakalakihan ang palabas na ito at patuloy na magiging bahagi ng aming kabataan.
Happy 21st Anniversary Hikari Sentai Maskman!!